KAMARA NAGHIGPIT NG SEGURIDAD DAHIL SA “BOMB THREAT”

NAGHIGPIT  ng seguridad sa Kamara ngayong Lunes kasunod ng isang “bomb threat” na natanggap ng ilang mambabatas sa House of Representatives kaya nagpadala ng mga pwersa ng kapulisan sa Batasang Pambansa Complex.

Hindi pinangalanan ni House Secretary General Reginald Velasco kung sino sa mga mambabatas at mga empleyado ang nakatanggap ng ulat tungkol sa naturang banta ng pagpapasabog sa House of Representatives.

“We don’t know, they just said that they might bomb the House of Representatives. As I’ve said, we take all these threats seriously, that’s why we have taken special precautions now.I have not issued a memo, but on their own, the security has been tightened, so we just want to protect the members of the House of Representatives and staff and employees of the House from any untoward incident.

So I have talked with the Sergeant-at-Arms and I told him to impose strict security to all those who are entering the premises,” sabi ni Velasco.

Ayon kay Velasco, mabuti na aniya ang makapag- ingat bagamat ayaw na nilang pansinin ang mga ganyang pagbabanta.

“We do that most of the time because, as you know, there have been threats being received by members of Congress, by employees, by staff from groups. Of course, we don’t mind them because that’s the hazard of our job. It’s part of working in the government. There’s no additional protection, it’s just very strict on those entering the premises. I cannot reveal the names of those who have received the threats, but some members have received threats, recent lang,” dagdag pa ni Velasco.

Ayon kay Velasco, may mga napapansin silang mga tao at nakamotorsiklong pakalat kalat sa complex.

Ang mga delivery rider ay hindi na nila pinapayagn makapasok sa complex at hanggang gate lamang sila mananatili kung may nagpapa-deliver ng mga pagkain at iba pang supply na kukunin na lamang ng mga empleyado sa may guwardya.

Nitong Enero lang at nakatanggap ang ilang mambabatas at kawani ng bomb threat.Ang pinaigting na paghihigpit ng seguridad ay partikular sa mga pumapasok sa premises ng House of Representatives.

Layon ng istriktong security measures na maprotektahan ang mga mambababatas at empleyado ng Kamara.
Ma. Luisa Macabuhay-Garcia