MULING iginiit ni Speaker Lord Allan Velasco ang kanyang pagsang-ayon sa panawagan at hakbangin na isantabi na ang mahigpit na polisiya ng national government hinggil sa pagsusuot ng face shields kasabay ng paggigiit na wala naman itong silbi sa layuning mapigilan ang pagkalat ng coronavirus.
“There are still no solid medical and scientific proof that face shields are effective deterrents to the spread of the deadly COVID-19,” ang tahasang sabi ng lider ng Kamara.
“There are, however, several published medical studies noting the doubtful efficacy of face shields in preventing aerosols from spreading, which is primarily how coronavirus infects us,” dugtong pa niya.
Pagbibigay-diin ni Velasco, sapat na ang tamang pagsusuot ng face masks para magkaroon ng proteksiyon laban sa airborne transmission ng COVID-19.
Aniya, base sa pag-aaral ng physician-researchers ng Wayne State University School of Medicine, ang sabay na pagsusuot ng face shields at face mask ay maliit ang pagkakaiba sa proteksiyong ibinibgay kung magsusuot lamang ng face mask,
Ginawa ni Velasco ang pahayag kasabay na rin ng pagdedeklara ng ilang local government units, gaya ng executive order na ipinalabas ni Manila Mayor Isko Moreno kung saan ‘non mandatory’ na ang pagsusuot ng face shields maliban lamang sa medical at hospital facilities sa nabanggit na lungsod.
Bukod dito, sinabi ng House Speaker na pabigat lamang, dahil dagdag gastusin para sa sambayanang Filipino ang pag-oobliga na magsuot ng clear plastic face shields at maihahanay din ito sa solid waste na may masamang epekto sa kalinisan ng kapaligiran at kalikasan.
“The cost of a face shield of about P20 to P50 is already a substantial amount equivalent to the cost of a meal for our indigent population, and mandatory requirement of the same takes away money for food from these families,” ayon pa kay Velasco. ROMER R. BUTUYAN