MANANATILI pa rin sa pangangasiwa ng gobyerno ang mga public hospital matapos na maaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 7437.
Unanimous ang boto sa panukala ng Bayan Muna na nagbabawal sa pagsasapribado ng mga pampublikong pagamutan.
Layunin ng panukala na panatilihin sa pangangasiwa ng gobyerno ang public hospitals gaya ng Orthopedic, Fabella at mental hospital para hindi ito gawing negosyo ng pribadong sektor.
Ipinagbabawal din ang pagsasapribado ng iba pang public health facilities at health services.
Ayon sa may-akda ng panukala na si Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Isagani Zarate, pinoproteksiyunan nito ang karapatan ng mga mahihirap na mabigyan ng serbisyong medikal sa tulong ng gobyerno.
Iginiit ng mambabatas na ang health care ay dapat manatiling accessible, abot kaya at angkop sa pangangailangan ng mamamayan.
Hinimok naman ni Zarate ang Senado na agad na aprubahan ang counterpart bill nito upang maging ganap na batas na bago matapos ang taon. CONDE BATAC
Comments are closed.