KAMATAYAN ‘DI NATAKASAN NG EGYPTIAN

baril

DAVAO DEL SUR – DEAD on the spot ang isang Egyptian na negosyante matapos itong pagbabarilin ng riding in tandem suspects sa lungsod ng Digos.

Sa ulat ng Digos City Police Office, napatay si Haitham Ramadan Hamed Abdel Rady, 31-anyos, residente ng Purok Chico Jumaoas St., Brgy. Zone I, Digos City.

Ayon kay P/SSgt. Earl Cryz Guarino, naganap ang pananambang ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek sakay ng motorsiklo bandang ala-1:20 ng madaling araw noong Lunes .

Sa pagsisiyasat, pauwi na sana sa kanilang bahay ang biktima sakay rin ng motorsiklo at angkas pa  ang buntis na menor na ka-live-in nito.

Lumilitaw na naramdaman ng biktima ang papalapit na panganib kaya nagtangka itong takasan ang mga suspek na lulan din ng motorsiklo subalit nasundan ito.

Nang madikitan ng mga hindi pa nakikilalang suspek ay tatlong ulit itong pinaputukan na naging sanhi ng dagliang kamatayan ng biktima. VERLIN RUIZ

Comments are closed.