KAMATAYAN, KAILANGAN KA BANG KATAKUTAN?

TINIG NG PASTOL2

NOONG November 1, marami sa atin ang umaalala sa mga yumao nating mahal sa buhay. Batid natin na ang araw na ito ay mahalagang araw upang maipag-dasal ang kanilang kaluluwa at mabisita ang kanilang mga puntod. Naglalaan tayo ng panahon at gumugugol tayo upang mapaghandaan ang araw na ito para sa kanila dahil tunay ngang mahalaga at mahal natin ang ating mga yumaong kapatid.

Bukod pa rito, noong November 1, ginamit din nating pagkakataon ito upang muli nating sariwain ang kanilang kamatayan, pagkakataon din natin ito upang sa pagsariwa nito ay magkatipon tayo, at pagkakataon din natin ito upang sa pagtitipon ay magkapalagayan muli tayo ng loob, isang pagpapatibay ng samahan at pagbubuklod bilang isang pamilya. Sa kabilang banda, inilalaan ng Simbahan ang espesyal na intensiyon para sa buwang ito ng Nobyembre upang ang lahat ng yumaong kapatid natin ay maipagdasal.

Magkagayon man, sa pag-alala natin sa kuwento ng kanilang kamatayan, mamulat rin sana tayo sa kuwento ng kanilang buhay. Mahalaga na sariwain din natin ngayon ang kanilang ambag sa ating buhay. Nauna man sila sa atin makintal nawa sa atin ang papel na kanilang ginampanan sa ating buhay, sila ay naging magulang natin, anak, at kaibigan. Masaya man o malungkot, makulay man o masalimuot, maganda man o bangungot, ang kanilang kuwento ay bahagi pa rin sila ng ating buhay. Kung tutuusin, bahagi rin ito ng kuwento ng ating buhay.

Subalit mahirap makawala sa katotohanang tayo ay naulila, sa kabila ng katotohanan din naman na tayo rin ay mamatay, ‘yun nga lang nauna lamang sila sa atin. Mahirap tanggapin na nauna sila sa atin. Malimit dumadaan tayo sa kalagayang ito, lalo pa at hindi tayo handa sa paglisan ng ating mga mahal sa buhay. May paglalaban ng damdamin at pananaw, ng katotohanan at pagtatago sa kasinungalingan, at ng pananampalataya at nakagisnang paniniwala.

Paano ba nililisan ng tao ang mundong ito sa kamatayan? May iba sa atin ay nakadanas ng matinding sakit at ang lunas upang sila ay gumaling ay ang kamatayan. May iba sa atin na kailangang masaktan at batahin ang kirot ng kalupitan ng kapwa tao na sa kanilang mga kamay tatamasahin ang hatol na kamatayan sa pamamagitan ng pagkitil, pagbaril at pagsaksak, paglason at iba pang karumaldumal na krimen. May iba sa atin na nakasalubong ang trahedya sa kanilang paglalakbay. May iba sa atin na nakamit ang kamatayan sa natural na pamamaraan dulot ng katandaan at hindi na nakahinga. May iba sa atin na kalikasan ang dahilan. At may iba pa rin sa atin na nakahanda na para harapin ang katotohanang ito. Maraming paraan upang harapin ang kamatayan at ang lahat ng ito ay iisa ang patutunguhan, lilisanin natin ang mundong ito.

Ganito man natin haharapin ang kamatayan, ito na ba talaga ang katapusan ng ating buhay? Hindi. Hindi dito matatapos ang ating buhay, bagkus magpapatuloy pa rin ito sa kaluwalhatian ng Diyos, dahil ang buhay ay buhay na walang hanggan. Huminto man ang ating hininga at naagnas man ang ating katawan, subalit ang ating kaluluwa ay mananatili at ito ay tutungo sa kaluwalhatian ng Diyos. Kaya naman, ang buhay natin sa mundong ito ay may pag-susumikap na harapin ang buhay ayon sa kalooban ng Diyos dahil ito rin ang ating uuwian balang-araw, ang Kanyang kaluwalhatian.

Kaya napakahalaga para sa atin na mamuhay ayon sa turo at halimabawa ni Hesus, dahil kailangan natin itong isabuhay habang tayo ay nasa mundong ito. Dito pa lamang nararapat na tayong magsumikap maging matuwid, maging banal at maging kalugod-lugod sa harap ng Diyos. Kaya naman, mahalaga na gampanin natin sa buhay na ito ang tunay na dahilan kung bakit tayo nabubuhay. Hindi natatapos ang pag-alala sa kanilang kamatayan, kailangan natin ito higitan sa pag-alam ng kanilang kasaysayan, noong habang sila pa ay nabubuhay.

Simula pa noong tayo ay bata, kaakibat ng binyag na tinanggap natin ay inatasan tayo sa isang misyon. Ang misyon na ito ay ang tao ay maging banal. Banal ang tawag sa taong sumasaksi sa kanyang buhay sa mga turo at halimbawa ni Hesus na ating Panginoon. Sa simula’t simula pa lamang tayo ay hinihimok ng mamuhay sa kabanalan.

‘Yun nga lang ang misyon na ito ay napalitan ng ambisyon nung simulan nating mag-aral. Mas bukambibig sa paaralan ang ambisyon kaysa misyon natin sa buhay. Ang ambisyon ay kung anong magiging tayo balang-araw. Kailangan natin ito abutin sa pamamagitan ng pagtatapos natin sa ating pag-aaral, paghahanap ng magandang trabaho, pag-iipon ng pera, pagbili ng bahay, pagbili ng maraming kasangkapan, at marami pang iba. Subalit, ang ambisyon na ito habang ating tinutupad, dumadaan tayo sa maraming konsomisyon sa ating buhay. Hindi natin namamalayan sa pag-abot natin sa ating mga ambisyon, nako-kompromiso na pala natin dito maging ang ating mga pagpapahalaga at pananampalataya na bumubuo sa ating misyon.

Nakaligtaan na natin ang ating misyon, unti-unti pa nitong tinatabunan ng ating mga ambisyon. Kaya naman, hirap tayong harapin ang ating kanya-kanyang kamatayan. Hindi talaga tayo handa, kung ano ang ating kahihinatnan. Nakakatakot ang humarap sa yugtong ito ng ating buhay. Dahil dito, mas itinuturing nating katapusan ng lahat, ang ating pagpanaw.

Kaya kung may pinanghahawakan tayong pananalig sa Diyos na makakamtan natin sa pagtupad sa ating misyon sa buhay, makikita natin ang halaga ng kamatayan sa ating buhay. Dito natin mararating ang sandali upang makapiling ang Diyos sa Kanyang kaluwalhatian. Hindi lamang makapiling, kundi makita Siya.

Bukod sa pag-usapan natin ang kamatayan ninuman, mainam ding idagdag ang pananaw natin sa buhay tungkol sa misyon na ating hinaharap upang is-abuhay ang turo at halimbawa ni Hesus. Ang Simbahan ay kaakibat natin sa pagtupad nito. Matuto sana tayong makinig sa pagpapaalala ng Simbahan sa ating lahat.

Sa paggunita sa ating mga yumao, maganda ring ipagdasal natin sa Diyos ang ating mga plano sa buhay. Ipagdasal din natin kung paaano natin harapin ang ating kamatayan. Maging handa sana tayo para rito at maging bukas sa ating pananaw sa usaping ito. Amen.

7 thoughts on “KAMATAYAN, KAILANGAN KA BANG KATAKUTAN?”

  1. 418711 80261Thank you pertaining to giving this exceptional content material on your web-site. I discovered it on google. I might check back again in the event you publish extra aricles. 214814

  2. 593526 457316This post gives the light in which we can observe the reality. This is very good 1 and gives in-depth data. Thanks for this good post. 843721

  3. 175615 462111Some genuinely good and utilitarian details on this internet internet site , also I believe the style and design holds excellent functions. 648747

  4. 676746 744313Aw, this became an incredibly good post. In notion I would like to set up writing like that moreover – taking time and actual effort to produce a fantastic article but what / issues I say I procrastinate alot by means of no indicates appear to get something completed. 960446

  5. 942401 383595I see that you are employing WordPress on your weblog, wordpress could be the finest. :~- 981088

  6. 640835 460730After examine a couple of of the weblog posts in your site now, and I truly like your manner of blogging. I bookmarked it to my bookmark web site list and may possibly be checking back soon. Pls take a look at my web site as effectively and let me know what you believe. 998493

Leave a Reply

Your email address will not be published.