CAVITE- TILA isang puzzle na binubuo ang sunud-sunod na linggo na pagkakatuklas na chop-chop na parte ng katawan ng tao sa bayan ng Silang sa lalawigang ito.
Alas-11:50 kamakalawa ng gabi nang muli na naman makarekober ang pulisya ng putol na braso na may kasamang kamay at isang paa.
Parehong naaagnas na ang mga ito nang madiskubre sa Brgy. Tibig ng bayang ito.
Magugunita, unang natagpuan dito ang torso ng isang lalaki at nasundan naman ito ng putol na hita , ulo at ngayon naman ay isang paa, braso at kamay.
Sapantaha ng mga awtoridad ay iisa lamang ang may ari ng mga natagpuang iba’t ibang parte ng katawan ng tao at posibleng may mga matatagpuan pang muli dahil sa hindi pa kumpleto ang lahat ng parte ng isang tao. SID SAMANIEGO