Ang Kamay ni Hesus Shrine ay isang popular na tourist destination sa Quezon. Sinasabing isa itong healing church, na pinagdarayo ng mga naniniwalang nagkakatotoo ang healing prayers ditto dahil sadyang nakaturo ditto ang Kamay ni Hesus.
Makapigil-hininga ang lugar na kinatatayuan ng Kamay ni Hesus dahil napakalaki nito at napapalibutan ng berdeng berdeng paligid. Kung kayo ay nature lovers, Ikatutuwa ninyo ang napakagandang tanawin ditto. Ang maganda pa, kung napagod kayo sa paglalakad, pwede kayong magpahinga sa simbahan habang nagdarasal. Mararamdaman mo dito ang peace and quiet na hinahanap mh puso mo.
Kung may dala kang sasakyan, may parking spaces para dito.
Hindi rin naman pamilyar ang grupo ni Flora Digno Rogelio sa kahit anong healing stories sa simbahang ito, at hindi naman talaga healing ang dinayo nila dito, pero sa tingin niya ay totoo ang tsismis dahil talagang napakaraming pumupunta dito. Isa pa, napakaperpekto ng lugar para sa spiritual and physical nourishment. Kahit 300 steps ang kailangan mong akyatin bago marating ang higanteng estatwa ng Kamay ni Hesus, tatanggalin ng sariwang hangin at berdeng kapaligiran ang iyong pagod. Pwede kang mag-meditate habang naglalakad at makikita mo ang iyong lakas.
Ang iba naman ay nagdarasal ng rosary kaya hindi nila napapansing nakakarating nap ala sila sa itaas. Isa pa, hindi ka naman nagmamadali kaya okay lang magpahinga kapag kinakapos na ng hininga.
Habang umaakyat ka ng unti-unti, malilibang ka sa mga kwento ng paghihirap ni Jesus, ang pagkamatay niya sa krus at muling pagkabuhay. Kung Holy Week, asahang napakaraming mananampalataya dito, pero marami ring turistang gusto lamang mag-usyoso o makiakyat sa mataas na hagdanan. Parang ito na rin ang kanilang “penitensya.”
Iba ang pakiramdam kapag narrating mo ang tuktok, dahil matatanaw mo mula doon ang malaking bahagi ng Lucban.
“Malamig ang hangin sa itaas at pakiramdam ko, napakalapit ko sa Diyos,” ani Flora. “Sulit ang pagod, sa totoo lang.”KNM