KAMAYAN, DAD’S FOUNDER VIC VIC VILLAVICENCIO PUMANAW NA

VIC VIC VILLAVICENCIO

SUMAKABILANG-BUHAY na si restaurateur Vic Vic Villavicencio noong Martes dahil sa atake sa puso.

Itinayo ni Villavicencio, founder ng Triple V Group of Companies, ang buffet restaurants Dad’s, Kamayan, at Sambo Kojin.

Ang kanyang labi ay ibuburol sa Christ the King Parish Church sa Greenmeadows, Quezon City sa Miyerkoles at Huwebes, mula alas-12 ng tanghali hanggang alas-12 ng hatinggabi.

Ang funeral mass ay idaraos sa Biyernes, alas-9 ng umaga, sa Christ the King Parish Church, na susundan ng cremation.

Comments are closed.