IBINUNYAG ni Tanzanian President John Magufuli ang umano’y sablay na resulta ng imported coronavirus testing kits matapos umanong magpositibo ang mga sample na nakuha mula sa mga hayop.
Sa isang event sa Chato, binanggit ni Magufuli ang aniya’y “technical errors” sa mga ginawang COVID-19 tests.
Ayon kay Magufuli, sinubukan nilang kumuha ng non-human samples mula sa isang bunga ng native tree na pawpaw, kambing, at tupa kung saan nilagyan nila ito ng mga pangalan ng tao at edad.
Ngunit hindi umano alam ng lab technicians kung saan galing ang mga sample at nagulat na lamang si Magufuli nang magpositibo ang resulta mula sa mga ito.
Giit ni Magufuli, hindi makabubuti sa kanyang nasasakupan ang mga tinatanggap nitong tulong mula sa ibang bansa. DWIZ882
Comments are closed.