QUEZON- APAT ang patay at 7 ang sugatan sa karambola ng van, SUV at pampasaherong bus na naganap sa Maharlika Road sakop ng Brgy.Talisay bayan ng Tiaong.
Base sa report ng Tiaong PNP, dakong alas-3:30 ng madaling araw nang maganap ang banggaan ng tatlong sasakyan habang binabagtas ng van ang kahabaan ng national highway patungong Bicol at mbilis na nag-overtake sa sinusundang SUV at sinalubong ang padating na pampasaherong bus patungo naman ng Maynila.
Bumangga ang van sa tagiliran ng bus na naging dahilan sa pagkawala ng kontrol ng driver nito at bumalik ito ng linya ng direksyon papunta sa SUV na kanyang nilampasan at sumalpok ito dito.
Kinilala ng pulisya ang mga nasawing sakay ng van na sina Leo Dizon Montecalbo, 9-anyos; Angelo Palacio,17-anyos; Guillermo Catamco Jr.at ,Eric Aguilar Atienza na pawang mga residente ng Masbate City.
Kasalukuyan namang nasa pagamutan ang pitong nagtamo ng sugat habang nahaharap sa pating patong na kaso ang mga driver na sangkot sa malagim na aksidente.
BONG RIVERA