DAHIL sa paglobo ng bilang ng mga nabubuntis na kabataang babae na isinisisi sa malalaswang panoorin at babasahin, kumilos na ang lokal na pamahalaan ng Isabela para pigilan ito.
Sinabi ni Peterson Patriaca, Gender and Development spokeperson, na batay sa kanilang talaan, umaabot na sa 5 percent ang nabawas sa kaso ng teenage pregnancy dahil sa pinaigting na kampanya ng pamahalaang lokal ng Ilagan City.
Ang kampanya ay sinimulan sa mga barangay, paaralan at pakikipag-ugnayan sa mga magulang upang mabantayan nang maigi ang kanilang mga anak.
Samantala, handa naman ang Grade 12 student na si Calimar Duarte, student leader ng San Rafael National High School, na maging bahagi sa pinaigting na kampanya kontra teenage pregnancy.
Naniniwala rin si Duarte na magpapatuloy ang pagbaba ng kaso ng teenage pregnancy sa pakikipagtulungan ng mga magulang at hikayatin ang mga anak na unahin ang pag-aaral upang maging makatotohanan ang kilalang kasabihan ng bayaning si Jose Rizal na “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan’’.
Umaasa ang pamahalaang lungsod na magpapatuloy ang pagbaba ng kaso ng teenage pregnancy sa Ilagan City. IRENE GONZALES
Comments are closed.