KAMPANYA KONTRA VAWC SIGAW NG MGA KABABAIHAN

CAVITE – Sa pagdiriwang ng taunang 18-day Campaign to End Violence Againts Women mula Nobyembre 25 hanggang Dis­yembre 12 na layong mawakasan ang mga pang-aabusong nararanasan ng mga kababaihan sa araw-araw, sabay-sabay na nagsuot ng kulay kahel ang mga kababaihan sa Imus kasabay ng lingguhang seremonya sa pagtataas ng Watawat ng Pilipinas.

Hangad nito na wakasan ang pang-aabuso sa mga kababaihan tulad ng karahasan, pisikal at emosyonal na pananakit, pangbabastos, at paggagahasa.

Habang sa Tagaytay City naman ay isinagawa ang isang panga­ngalap sa 50 manlalaro na kababaihan na may angking galing sa larong basketball na pinangunahan ni Sen. Francis Tolentino.

Layunin nito na ma­kilala at mapaghandaan ng mga kababaihan sa Cavite ang pagsali sa liga ng Womens Manny Pacquiao Basketball League (WMPBL).

Ang mapapabilang dito ay malaki ang tsansa na maging miyembro ng Cavite Tol Patriots.

SID SAMANIEGO