KAMPANYA LABAN SA ILLEGAL RECRUITERS PAIGTINGIN

Pangulong Rodrigo Duterte-5

NAIS ni Pangulong Rodrigo Duterte na paigtingin ang paghabol sa mga illegal recruiter sa bansa.

Sa talumpati nito, sinabi ng Pangulo na nais na niyang mamatay ang mga illegal recruiter dahil sa pagbebenta ng mga Filipino sa mayayamang Arabyano bilang alipin.

Ayon sa Pangulo, target  nito na lipulin na ito dahil pahirap lang ito sa mga Filipinong nagtatrabaho sa Arab countries.

Aniya, sa oras na mapasakamay na ng mga among Arabo ang mga Filipino bilang kanilang alipin, hindi na umano mawala ang posibilidad na mapahamak o ma-rape ang mga ito, partikular ang mga kababaihan.

Dahil dito, napipilitang tumalon mula sa mga bahay ng kanilang amo ang mga overseas Filipino worker (OFW) para makatakas sa lupit na kanilang nararanasan sa kanilang pinagtatrabahuan.