NANAWAGAN si House Committee on the Welfare of the Children Chairperson Rep. Yedda Romualdez (Tingog party-list) sa lahat ng law enforcement agencies na mas paigtingin pa ang kanilang kampanya laban sa mga sindikatong nasa likod ng ‘online sexual exploitation’ ng mga kabataang Filipino.
Giit ng lady party-list solon, mahalaga rin ang matibay na koordinasyon ng mga awtoridad sa kanilang international counterparts para sa pagdurog sa mga gumagawa ng nasabing krimen.
“I trust that our law enforcement units will continue working with international agencies in a stepped-up campaign against sexual predators preying on our children. The House of Representatives is ready to extend its support to such endeavor in whatever way possible,” ang sabi pa ni Romualdez.
Ginawa ng ranking house official ang pahayag kasunod nang pagkakabuwag ng pulisya sa itinuturing na isang international syndicate na nananamantala sa mga menor de edad sa bahagi ng Central Visayas sa pamamagitan ng ‘online website operations’.
Base sa impormasyong nakalap ni Romualdez, sa tulong ng isang foreign agency, natunton ng Philippine National Police (PNP) ang pugad ng ‘transnational child sexual exploitation ring’ na ito, na pinamumunuan ng isang Australian national.
“I commend the vigilance of our law enforcers in protecting our children against criminals. Their diligence in surveillance led not only to the arrest of sexual predators, but also to the rescue of minors victimized by online exploitation,” ang tugon ng kongresista sa matagumpay na police raid.
“Let me also commend the foreign counterparts of our law enforcers. The success of their operation showed that only through international co-operation can we successfully combat transnational child sexual exploitation,” dugtong ni Romualdez.
Nauna rito, mayroong ding police operation na ginawa sa island province ng Biliran kung saan limang katao ang inaresto habang inaalok ang ilang batang babae na sumalang sa ‘online sexual exploitation’ kapalit ang bayad na pera.
Nakadidismaya na kahit ang mga nasa 10 hanggang 11 buwang gulang na sanggol pa lamang bukod sa mga nasa edad 14 hanggang 17 taong gulang ng mga bata ay nagiging biktima na rin ng pang-aabuso na ito.
Bunsod nito, sinabi ni Romualdez na dapat nang magkaroon ng ‘all-out campaign’ ang pamahalaan at pakilusin ang lahat ng kinauukulang ahensiya upang linisin ang ating bansa mula sa operasyon ng mga sindikatong mapang-abuso sa kabataan. ROMER R. BUTUYAN
Comments are closed.