PATULOY sa paghakot ng suporta mula sa maraming Pilipino ang AKO-OFW o Advocates and Keepers Organization of Overseas Filipino Workers Party-list kaugnay ng pagsusumikap nitong manalo sa paparating na eleksyon sa Mayo.
Ang grupo, #10 sa balota, ay nagsusulong ng interes at kapakanan ng mga migranteng manggagawang Pilipino. Nagtutulak din ito ng mga batas at polisiyang makatutulong sa mga OFW. Kabilang dito ang pagtatayo ng ospital para sa mga OFW, pension plan para sa mga OFW, OFW village, ang pagkakaroon ng OFW advisory council sa bawat barangay sa bansa, at mga programang pangkabuhayan para sa pamilya ng mga OFW.
Ayon kay Dr. Chie Umandap, Chairman at first nominee ng AKO-OFW, ang grupo ay inspiradong paigtingin ang kanilang kampanya dahil sa tuluy-tuloy na suportang natatanggap nito mula sa mga mamamayan, iba’t ibang sektor, at mga organisasyon sa bansa.
Batay sa resultang inilabas kamakailan ng Publicus Asia, Inc.’s, sa kabuuang bilang na 177 partylist na nagnanais makakuha ng puwesto sa House of Representatives na nakalaan para sa kinatawan ng mga ito, ang AKO-OFW ay nabibilang sa sampung nangungunang grupo.
Ang Ako-OFW ay nakakuha ng 3.7 porsyento sa voter preference sa nasabing survey sa tanong na: “Kung sakaling ang halalan ay gaganapin bukas, alin sa mga sumusunod ang makakakuha ng boto mo para sa Party-List?”
Ang survey ng Publicus Asia na ginawa sa buong bansa mula ika-9 hanggang ika-24 ng Marso, 2022, ay nakakuha ng 1,500 na tugon mula sa iba’t ibang indibidwal na may edad 18 pataas. Ang nasabing surveya ay may ± 3% error margin. Tinatayang nasa 35% ng tumugon sa survey ay mga regular na empleyado mula sa pribadong sektor, habang 14.8% naman ang may sariling negosyo o self-employed.
Batay sa resulta ng survey, makikitang karamihan sa mga tumugon ay mula sa middle class, mataas ang pinag-aralan, at mayroong cable at internet sa kani-kanilang mga bahay.
“We are deeply overwhelmed by the growing trust and support of many Filipinos. The results of this survey will continue to be our beacon and inspiration to further our advocacies in helping the millions of Filipino migrant workers – our modern-day heroes – and their families throughout the entire country,” pahayag ni Dr. Umandap.