KAMPANYA NG PH SA OLYMPICS, SEAG TAMPOK SA PSA FORUM

Abraham Tolentino

TATALAKAYIN ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham ‘Bambol’ Tolentino ang kampanya ng bansa sa Tokyo Olympics at Vietnam Southeast Asian Games sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum online edition ngayong Martes.

Magbibigay rin ng update ang incumbent representative ng 8th district ng Cavite at presidente ng Integrated Cycling Federation of the Philippines (Philcycling) sa pagbili ng POC ng COVID-19 vaccines sa pamamagitan ng $40,000 subsidy na tatanggapin nito mula sa Olympic Council of Asia para sa Philippine contingent sa SEA Games sa Nov. 21-Dec. 2.

Nangako rin si port magnate Enrique Razon na magdo-donate ng bakuna para sa mga pambato ng bansa sa Tokyo Olympics.

Si Rio De Janeiro Olympic silver medalist Hidilyn Diaz ang pinakahuling nagkuwalipika sa Tokyo Games kasunod ng kanyang pagsabak sa Asian Weightlifting Championships sa Tashkent, Uzbekistan.

Ang 10:30 a.m. public sports program ay itinataguyod ng San Miguel Corporation (SMC), MILO, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant, at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Ang weekly Forum ay naka-livestream via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at isini-share din ng Radyo Pilipinas 2 Facebook page.

3 thoughts on “KAMPANYA NG PH SA OLYMPICS, SEAG TAMPOK SA PSA FORUM”

  1. 115068 953490Hi this really is somewhat of off topic but I was wondering if blogs use WYSIWYG editors or in case you need to manually code with HTML. Im starting a blog soon but have no coding knowledge so I wanted to get guidance from someone with experience. Any aid would be greatly appreciated! 495371

  2. 587210 947801If your real friends know you as your nickname, use that nickname as your 1st name online. When you very first friend someone, focus on making a private comment that weaves connection. 452210

Comments are closed.