MAGIGING sentro ng talakayan ang inaabangang kampanya ng Philippine women’s football team sa FIFA World Cup sa susunod na taon sa online Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayong Martes.
Si Philippine Football Federation (PFF) president Mariano ‘Nonong’ Araneta ang magiging special guest sa weekly sports program upang talakayin ang makasaysayang kampanya ng mga Pinay sa July 20-August 20 tournament na gaganapin sa New Zealand.
Sa official draw na idinaos noong weekend, ang bansa ay nakasama ng host sa Group A kasama ang Norway at Switzerland.
Magsisimula ang session sa alas-10 ng umaga kung saan inimbitahan din si PFF secretary-general Atty. Ed Gastanes bilang resource person.
Ang Forum ay itinataguyod ng San Miguel Corporation (SMC), MILO, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, Amelie Hotel Manila at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
Naka-livestream ito PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at maoakikinggan sa delayed basis sa Radyo Pilipinas 2, na isini-share din ito sa kanilang official Facebook page.