HABANG papalapit na ang inaabangang May 9 elections, lalo namang lumiit ang tsansa ni Leni Robredo para manalo sa halalang pampanguluhan.
Ayon kay UniTeam senatorial bet Atty. Larry Gadon, mistulang lahat na ng paninira, panggugulang, panloloko ay ginagawa ngayon ng kampo ni Robredo at isa sa pinakahuling kabulastugan na ginawa ay maglabas ng imbentong resulta ng mga survey kuno.
Ang ganitong aksiyon, ayon kay Gadon ay upang ikondisyon ang utak ng mamamayang Pilipino na ang kandidatura ni Robredo ay lumalakas, lalo’t halos tatlong linggo na lang ay gaganapin na ang Halalan 2022.
“They have tried every tricks in the book but nothing is happening, So now they are into making up fake survey firms and fake results in a desperate effort to muddle the issue and confuse the voters. Mga bobo,” ani Gadon.
Nitong nakalipas na Biyernes Santo, naglabas ang kampo ni Robredo ng kaduda-dudang numero mula sa isang ‘never heard’ na survey firm.
Tinawag ang grupo na halalanph.com sinabing base sa isang araw na survey na nakuha mula sa 237,000 respondents, si Robredo ay nakakuha diumano ng 137,800 preferential votes, samantalang ang tunay na presidential frontrunner na si Bongbong Marcos ay nakakuha lamang diumano ng 89,400.
Ang ‘bogus survey firm’ ay hindi naglabas ng kabuuang breakdown ng resulta. Wala rin aniya silang inilabas na talaan kung ilan kina Marcos at Robredo ang nakakuha ng boto mula sa National Capital Region, Luzon, Visayas at Mindanao, gayundin ang klasipikasyon ng boto mula naman sa mga economic classes ABC, D at E.
Ang gawa-gawang resulta ay nagsabing si Isko Moreno ay pumangatlo umano mula sa 2% o 5,550 votes na nakuha nito. Si Ping Lacson ay may 1,800 votes; si labor leader Ka Leody de Guzman ay may 1,000 votes, at Sen. Manny Pacquiao ay may 498 votes.
Wala ring paliwanag kung paano ginawa, kinuha at sinuri ang mga datos patungkol sa nilalaman ng naturang survey na halatang ang gusto lamang nilang palabasin ay kunwaring mataas si Robredo kumpara kay Marcos.
Kamakailan ay naglabas ng hiwalay na survey result ang Truth Watch Philippines Inc. na isa ring never heard na survey firm kung saan ay pinalabas ding si Robredo ang nangunguna sa kanilang numero.
“Anong klaseng mga tao ito? Dati hindi sila naniniwala sa survey. Nu’ng tumaas ng konti si Lugaw aba’y pinangangalandakan na umaarangkada na daw sila at biglang naniniwala na. Pero nung nagsalita na halos lahat ng mga survey firms na milagro na lang talaga kung makakahabol sila aba eh biglang kambyo at ngayon nagtayo nang sariling survey firm,” ani Gadon.
Ang bogus survey ay nagsabing si Marcos ay 52% na umano ngayon mula sa dating 60% preference vote, samantalang si Robredo ay may 30% at posible aniya na makadikit ito kay Marcos o kaya isang labanan na ‘ two-way tie.”
“Anong two-way tie? Mga bobo talaga! Paanong magkakaroon ng two way-tie kung milya ang layo ni BBM? Payag ako three-way tie sila, naghahabulan para sa second place,” sabi pa ni Gadon.
“Akala yata ng mga ito makitid ang utak ng mga Filipino na gaya nila. Hindi na ninyo maloloko ang taumbayan. Ano ang susunod? Magwo-walkout ang NAMFREL at PPCRV sa araw ng halalan at sisigaw ng dayaan gaya nung ginawa nyo noong 1986? Bumenta na ‘yan! Hindi na kikita yan,” dagdag pa ni Gadon.