MAGSISIMULA na ngayong Huwebes ang 10-araw na opisyal na campaign period para sa synchronized Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre 30, 2023.
Nasa kabuuang 672,016 na posisyon ang nakataya sa botohan ng barangay at kabataan ngayong taon 42,001 ay para sa mga kapitan ng barangay at 294,007 para sa mga miyembro ng Sangguniang Barangay.
Batay sa tala ng Comelec, mayroong 1,414,487 aspirants sa BSKE, 96,962 ay para sa barangay captain; 731,682 para sa mga miyembro ng Sangguniang Barangay; 92,774 kandidatobsa Sangguniang Kabataan; at 493,069 para sa SK council.
Muling iginiit ni Comelec Chairman George Erwin Garcia ang kanyang babala sa lahat ng mga kandidato na mahigpit na sumunod sa mga batas sa halalan upang maiwasan ang mga salungatan na maaaring magresulta sa diskwalipikasyon at posibleng pagkakulong kung mapatunayang nagkasala.
Sa panahon ng kampanya, ang mga poster at naka-print na materyales ay limitado sa maximum na 2×3 talampakan, na dapat ilagay lamang sa mga itinalagang common poster area. Ang higit pa sa sukat nito o lumalabag sa mga panuntunan ng kampanya ay maparurusahan, o maaring mauwi sa diskwalipikasyon.
MA. LUISA GARCIA