KAMPANYA SA FEDERALISMO PAIIGTINGIN – DILG

ASEC Jonathan Malaya

DAHIL sa naging resulta ng survey ng Social Weather Station (SWS ), mas lalong paiigitingin ng Department of Interior and Local Government  (DILG ) ang kampanya sa pagbabago ng sistema ng pamahalaan tungo sa Federalismo.

Ayon kay DILG Assistant Secretary for Communication and Public Affairs Jonathan Malaya, magandang senyales ang pinakahuling ulat ng SWS dahil pagkakataon ito para mas pag-iba­yuhin at pakalakasin pa ang kampanya ng Fede­ralismo sa mga Rehiyon.

Base sa 1st Quarter survey na isinagawa ng SWS noong March 23-27, 2018, isa sa apat o 25% ng mga nasa edad na Pilipino ay mayroon ng kaa­laman tungkol sa Federalismo.

Sa nasabing survey,  27% o mas maraming tao sa probinsya ang nakaaalam sa Federalismo kumpara sa Urban Areas na 24 % lamang.

Kung kaalaman at suporta sa Federalismo, nakakuha ng pinakamataas na bilang sa lalawigan ng Mindanao kasunod ang Metro Manila, Visayas at pantay sa Luzon.

Ayon pa kay Malaya, nakita rin sa survey na habang naiiintindihan ng mga tao ang Federa­lismo ay mas sumasang-ayon sila rito.

Umaasa ang DILG na ang mayorya sa 34 % na hindi pa nakakapagpasya ay susuporta sa Fe­deralismo kapag inendorso na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang iminumungkahing modelo ng Consultative Committee sa darating na State of the Nation Address sa susunod na buwan.

Gayunpaman, tuloy-tuloy ang isinagawa Fede­ralism Roadshow ng DILG  sa Dumaguete at Baguio City na dinaluhan ng maraming tao.

Comments are closed.