INILUNSAD sa lahat ng sektor ng lipunan sa bansa lalo na sa mga maralita ang kampanya ukol sa pederalismo kung saan mas uunlad ang Filipinas.
Ipinahayag ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) Secretary General Thompson Lantion ang paglulunsad ng isang “Intense Massive Information Campaign” upang bigyan ng sapat na kaalaman at edukasyon ang bawat Filipino na ang pederalismo ay ang solusyon sa problema ng Filipinas.
Ayon pa kay Lantion, “Ang bansa natin ay mayaman at nabiyayaan ng likas na yaman at yaman tao. Ngunit bakit higit na mas nakararami sa ating mga Filipino ay nananatiling miserable ang pamumuhay at nagdurusa sa kahirapan? May kaugnayan ba ang hindi pantay-pantay na pagbabahagi nang mapagkukunan ng kayaman at yaman ng pamahalaan sa suliranin ng kahirapan? Mayroon nga bang pantay-pantay ng paghahati-hati ng yaman mula sa ating national at lokal na pamahalaan sa ngayon? Ito bang pederalismo o maging ang ating Konstitusyon ang susi sa sukdulang paglaya natin sa walang katapusang kahirapan?”
Sa pag-aaral ng Legatum Institute’s 2018 Prosperity Index, nakararaming nakasama sa listahan ng mga mayayaman at maunlad na mga bansa sa buong mundo ay iyong mga bansa na nasailalim ng pamamalakad ng pederalismo.
Kaya naman isinusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalit ng sistema ng pamahalaan patungo sa pederalismo upang lalong payabungin at palaguin ang bawat rehiyon, lalong-lalo na sa ba-hagi ng Mindanao. MARIA THERESA C BRIONES
Comments are closed.