(Kampanya sa top 3 finish lumakas) GINTO BUMUHOS SA PINAS

HANOI – Magaan na napanatili ni Olympian Ernest John Obiena ang kanyang pole vault title at humakot din ang Pilipinas, sa pinakaproduktibong araw nito sa kasalukuyan, ng gold sa triathlon, jiu-jitsu, fencing, at gymnastics nitong Sabado para mapalakas ang kampanya nito sa top three finish sa 31st edition ng Southeast Asian Games dito.

Kumawala si Kim Mangrobang, 30, sa pack sa bike leg ng 1.5K swim, 40K bike, at 10K run event at nakopo ang kanyang ikatlong sunod na SEA Games crown habang pinatunayan ni Fil-Spanish Fernando Tan Caseres, 26, na siya ang susunod sa yapak ng kababayang si John Leerams ‘Rambo’ Chicano, nang dominahin ang men’s race sa 1:56.57.

Ang kambal na panalo, na dinuplika ang two-gold sweep ng triathlon sa 2019 Philippine Games, ang nagsindi sa pananalasa ng mga Pinoy, na nakakuha rin ng gold medals kina jiu-jitsu fighters Meggie Ochoa sa women’s minus 48kg class at Annie Ramirez sa women’s minus 62kg division, at fencer Samantha Catantan sa women’s foil event.

Sa pagputok ng takipsilim, pinangunahan ni Fil-Am Aleah Finnegan, dating US national team member, ang national team sa gold medal sa women’s artistic gymnastics sa Quan Ngura Sports Palace na iskor na 184.500. Nagkasya ang Vietnam sa silver na may 183.800 habang nakuha ng Singapore ang bronze na may 182.500 points.

Nagwagi rin si Finnegan ng all-around silver medal, sa pagtala ng 48.250 points sa apat na apparatus – balance beam, floor exercise, vault, at  uneven bars – habang ang gold ay napunta kay Indon Rifda Irfanaluthfi na umiskor ng 49.650.

Ang seven-gold medal haul ay nag-angat sa kabuuang ginto ng bansa sa 12, kabilang ang gold medals na napanatili nina kickboxers Gina Iniong-Araos at Jean Claude Saclag pagkalipas ng hatinggabi noong Biyernes.

Magaan na namayani si Obiena, isa sa world-class stars sa national team na pinondohan ng Philippine Sports Commission, sa mga katunggali sa pagtala ng 5.46 meters para sa gold sa  My Dinh National Stadium.

Tinangka ni Obiena na wasakin ang kanyang personal Asian record sa kanyang attempt sa 5.94 meters, subalit nabigo siyang gawin ito sa tatlong  attempts.

“I’m relieved and happy to win the gold. I came here as a favorite and finally delivered. Mission accomplished,” sabi ni Obiena, 26, ang Asian record holder sa 5.93 meters.

Nagdagdag din ang Pinoy athletes ng anim pang silver medals mula kina triathlete Andrew Kim Remolino at wushu practitioner Agatha Wong, gayundin ng anim na bronze medals para sa overall tally na 12-18-17, sapat para sa fourth place.

Namamayagpag pa rin ang Vietnam na may 34-21-28, kasunod ang Indonesia (13-16-4) a4 Malaysia a fighting third (13-7-20). Nasa ika-15 puwesto ang Thailand na may 10-13-25 tally.