KAMPANYA VS BIRD STRIKE PAIIGTINGIN NG CAAP

PAIIGTINGIN ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang kanilang kampanya laban sa bird strike sa lahat ng paliparan sa bansa upang maiwasan ang mga insidente na kakaharapin ng piloto sa mga eroplano.

Matapos ang nangya­ring tragic airplane crush incident sa South Korea noong Disyembre, 2024  kung saan 179 pasaherong ang namatay sa pagbagsak ng naturang eroplano dahil sa bird strike.

Ayon sa CAAP, nakakaalarma ang bird strikes na ito kung kayat isinusulong ng kanilang ahensiya ang komprehensibong measures katulad ng paglalagay ng habitat control long-term solutions sa problemang ito.

Matatandaan na umabot sa 181 ang naitalang bird strike incident sa bansa noong nakaraang taon 2024, ayon sa talaan ng CAAP.

Kaya’t ang Manila International Airport Autho­rity (MIAA) at CAAP ay nagtutulungan upang mabawasan ang problemang dahil ang grupo ng mga ibon ay nagkukumpulan o nananatili sa madamong lugar ng airport.

Kaugnay nito, isinusulong ni MIAA General Manager Eric Ines ang tinatawag na deterrent measures katulad ng acoustic devices, methane-powder cannons at balloons na mayroon nakalagay na predator eyes bilang panakot sa mga ibon.

At isa pang nakakabahala sa MIAA ang controversial bird sanctuary sa may Cavite coastal road re-claim site area na malapit sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), kung saan umaabot sa 150 piraso ng ibon ang nakatira sa lugar na ito.

FROILAN MORALLOS