UMAPELA ang commuters at transport groups sa Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT) na muling paigtingin ang kampanya laban sa colorum at out-of-lines na mga sasakyan.
Ayon kay Atty. Ariel Inton Jr., founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP), patuloy ang pagtanggap nila ng mga reklamo mula sa mga legitimate franchise owner sa buong Metro Manila laban sa talamak na colorum at out-of-lines.
Sa reklamo sa LCSP, sinabi ni Inton na isa sa tinukoy na talamak ang out-of-line operations ng mga driver at operator ay sa IBP Roads, Batasan sa Quezon City.
Ani Inton, sa formal complaints ng mga legitimate driver at operator sa LCSP, araw-araw ay 100 units ng out-of-lines ang bumibiyahe sa kanilang ruta na kaagaw nila sa mga pasahero na kinukunsinti naman umano ng mga traffic enforcer at hindi hinuhu-li kahit nakikita ng mga ito na dumaraan mismo sa kanilang harapan.
Sa reklamo pa ng mga legitimate driver at operator, may sariling illegal terminal ang mga ito sa tabi mismo ng kalsada na hindi lang double parking kundi 3 lanes ang sakop na nagiging sanhi ng mabigat ng trapiko sa lugar.
“Mahigpit ang kampanya ng I-ACT maging ang Quezon City local government sa illegal parking, illegal terminal, colorum at out-of-line pero bakit dito sa route namin ay hindi nila malinis-linis ang mga colo-rum at out-of-line, at mga illegal parking at terminal,” ayon sa mga nagrereklamong driver at operator. BENEDICT ABAYGAR, JR.
Comments are closed.