GOOD day, mga kapasada! Kumusta po. As always, dalangin po ng Patnubay ng Drayber na ligtas kayo sa lahat ng masamang birong dulot ng coronavirus disease lalo na po ngayon na mayroon na namang bagong variant na dumating sa ating bansa. Stay safe at huwag kaliligtaan – sumunod po tayo sa kahingian ng health protocols na ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force (IATF).
Mga kapasada, unawaing mabuti ang paksang ito. Pinaigting ng Land Transportation Office (LTO) ang kampanya nito laban sa mga drayber na nagmamaneho nang lasing at nasa impluwensiya ng ipinagbabawal na gamot. Bumuo ang ahensiya ng isang grupo na kinabibilangan ng Land Transportation Office-Central Office, PNP-Highway Patrol Group, PNP-Crime Laboratory Service, North Luzon Expressway, Department of Public Works and Highways, at Road Safety and Security Marshall Ambassador kung saan ang mga ito ay ipakakalat sa gabi upang hulihin ang mga lasing na drayber o kaya ay nasa ilalim ng impluwensiya ng ipinagbabawal na gamot.
Batay sa ulat ni Atty. Clarence Guinto, director ng LTO-Law Enforcement Service, kay Transportation Assistant Secretary and LTO Chief Edgar Galvante, nasa 48 truck drivers na nahuli ng grupo ang lango sa ipinagbabawal na drogang shabu samantalang sila ay nagmamaho sa gabi.
Ang mga suspect ay sinasabing naunang inaresto sa bahagi ng Caloocan City dahil sa paglabag umano sa Anti-Overloading o sa itinatadhana ng Republic Act 8794. Sa pagsisiyasat ng mga traffic enforcer, napatunayan na ang mga ito ay nasa ilalim ng impluwensiya ng shabu.
Mga kapasada, ingat po kayo. Gaya ng malimit na ipinapayo ng pitak na ito para sa inyong kapakanang paghahanapbuhay sa panahon ng pandemya, ingatan sana natin na matukso sa mga ipinagbabawal na gamot para sa ating kaligtasan.
TATLONG BIKE LANES: SA NCR, METRO CEBU AT DAVAO BINUKSAN NG DOTr
Inihayag kamakailan ni DOTr Secretary Art Tugade na tatlong bike lanes sa National Capital Region (NCR), Metro Cebu at Metro Davao ang pasinayaan nitong Hulyo bilang bahagi ng mithiin ng pamahalaan na maitaguyod ang aktibong partisipasyon ng transportasyon sa bansa.
Ang kabuuang halaga na ginastos sa NCR sa natapos na 313 kilometrong bike lanes matapos malagyan ng pavement markings, physical separators at road signages ay umabot sa P801,830,479.93.
Samantala, ang kabuuang disbursement para sa tatlong nabanggit na proyekto ay nasa P1.09 bilyon sa ilalim ng Bayanihan Bike Lane Network project ng pamahalaan.
Ayon kay Tugade, ang paglalagay ng pavement markers, physical separator at road signages ay isang tandisang pagpapakita ng pananagutan ng DOTr sa pagtataguyod ng aktibong transportasyon na may paniniyak sa kaligtasan ng mga pedestrian at motoristang nagyayaot sa mga lansangan.
Sa ilalim ng Republic Act No. 11494 o ang Bayanihan to Recover as One Act, ang promosyon ng aktibong transportation ay pinatindi sa pamamagitan ng deklarasyon ng bicycle bilang karagdagang mode of transportation at sa pagkakaloob ng pondo upang suportahan ang pagtatayo ng bike lane networks.
PAANO MAIIWASAN ANG TRAFFIC ACCIDENT
Ayon sa mga knowledgeable resource person mula sa LTO, walang pinipiling panahon o sino man ang traffic accident. Taon-taon ay libo-libong nilikha ang namamatay nang wala sa panahon at milyon-milyong pisong damages sa mga ari-arian ang nagaganap bunga nito.
Ang karaniwaang biktima sa ganitong trahedya sa lansangan ay mga batang tumatawid o dili kaya ay ang mga biker.
Gayundin, karaniwang biktima ang mga motocyle rider at bus rider na bunga ng reckless driving o pag-uunahan sa pagkuha ng pasahero kahit sa gitna ng lansangan.
Panawagan naman ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na iwasang maging bahagi ng death statistics at ito ay magagawa sa pamamagitan ng pagiging maingat sa pagmamaneho, pagsasakay ng mga pasahero, at pagbibigay ng wastong kortesiya sa mga senor citizen at mga may kapansan.
Gayundin, para maiwasan ang aksidente, ayon pa sa MMDA, ay igalang ang mga tumatawid sa wastong tawiran lalo na ang mga senior citizen at may kapansanan.
Igalang din ang speed limit na ipinatutupad sa lansangan at huwag babalewalain ang signages na inilagay sa mg delikadong pook para bigyang babala ang mga motorista na peligroso ang pook.
Iwasan ang pagmamaneho kung nakainom ng anumang inuming nakalalasing. Itinadadhana sa RA 10586 (driving under the influence of intoxicating liquor) na may malupit na parusa sa sino mang lalabag sa batas na ito at kung nakakaramdam ng labis na pagkaantok sa panahon ng pagmamaneho, humanap ng ligtas na pook tulad ng gasoline service station at pansamantalang pumarada at palipasin ang labis na antok.
KARANIWANG SANHI NG TRAFFIC ACCIDENT
Ayon sa mga ekspertong mekaniko, ang preno ang siyang pinakamahalagang bahagi ng sasakyan na nag-iingat ng susi ng kaligtasan ng mga sumasakay.
Ang karaniwang sanhi ng aksidente sa sasakyan ay bunga ng depekto ng preno na hindi kayang kontrolin o pigilin ang tulin ng takbo ng sasakyan.
Ang karaniwang sanhi ng aksidente ay ang pagpalya ng brake kung ito ay tinatapakan.
Sakaling pumalya ang brake, doblehin ang tapak sa clutch at ikambiyo ng reverse o paatras kung maaari. Patayin kaagad ang ignition at dalhin ang sasakyan sa tabi ng daan upang maiwasang ito ay mabunggo ng ibang dumarating na sasakyan.
LAGING TATANDAAN: UMIWAS SA AKSIDENTE UPANG BUHAT AY BUMUTI. HAPPY MOTORING!
losartan 25mg price order topamax 100mg online cheap topiramate for sale
cheap baclofen 10mg cost baclofen toradol online buy
imitrex 50mg pills order sumatriptan pill dutasteride pill
gloperba over the counter online casino games for real money casino games online real money
cost zantac order ranitidine 150mg generic order celebrex
real casino best online casino real money best online gambling sites
flomax cheap order spironolactone 25mg order spironolactone online
tadalafil 10mg without prescription buy ciprofloxacin without prescription order ciprofloxacin 500mg pill
buy simvastatin 20mg for sale order proscar 1mg generic propecia 5mg without prescription
flagyl 200mg usa augmentin 1000mg sale buy bactrim 960mg sale
fluconazole 200mg us brand diflucan 200mg purchase sildenafil online
cephalexin 250mg brand cleocin 300mg cheap erythromycin 500mg uk
cialis 10mg tablet cialis australia sildenafil 20 mg
viagra 50mg sale tadalafil 10mg ca purchase tadalafil online
cefuroxime medication generic ceftin methocarbamol tablet
poker online play casino free spins no deposit buy tadalafil 10mg pill
trazodone cost buy sildenafil pills order aurogra 50mg pills