KAMPANYA VS ILLEGAL ONLINE CONTENT ISINUSULONG NG GLOBE

GLOBE TELECOM

BILANG tulay sa pagitan ng content creators at ng content users, masigasig na isinusulong ng Globe Telecom ang kampanya laban sa online piracy na nagbibigay-daan sa illegal streaming o downloading ng unfiltered content.

Ilang taon na ang nakalilipas, inilunsad ng Globe ang  #PlayItRight anti-online piracy awareness campaign nito sa layuning mabigyan ng kaalaman ang mga customer hinggil sa illegal content consumption, upang maprotektahan ang pamilyang Filipino, ang local entertainment industry, at ang content creation industry.

Sa pamamagitan ng kampanya ay namulat ang mga consumer na ang piracy websites ay maaaring maging hotbeds para sa illegal online activities, malware at iba pang cybersecurity threats.

“As a telco company, we at Globe strongly advocate legitimate content consumption to protect the country’s vulnerable sector. We likewise uphold the work of creators who have put in a lot of resources and hard work into their content, and the industry that has been providing decent jobs for people,” wika ni Yoly Crisanto, Globe Chief Sustainability Officer and SVP for Corporate Communications.

Sa pamamagitan ng #PlayItRight, umaasa ang telecommunications company na makatutulong sa pagsugpo sa lahat ng illicit content na dumadaan sa data networks nito, gayundin ang maprotektahan ang mga customer laban sa malware, ID theft, at ransomware na kaakibat ng pirated content na ito at sinisira ang electronic devices ng mga user.

Kinokondena ng Globe ang paggamit ng data network para sa illegal online activities, kabilang ang online child exploitation gaya ng cybersex trafficking at child pornography.

Taon-taon ay nakatatanggap ang Filipinas ng libo-libong report ng child exploitation na naging salot na sa Filipino youth sector. Sa pag-aaral ng   United Nations Children’s Fund (UNICEF) ay lumitaw na ang bansa ay isa sa ‘top global sources of child pornography’.

Dahil sa nature ng serbisyo nito, masigasig na itinulak ng Globe ang kampanya laban sa illegal content dahil ang multimedia content na ito ay tumatawid sa data highways ng kompanya. Ang pagtaas ng Illegal Streaming Devices (ISDs) ay naging daan din para madaling maka-access sa mga pirated content na ito, kabilang ang ichild pornography.

Ang ISDs ay set-top boxes na nagpapahintulot sa mga consumer na i-stream ang pirated content mula sa illegal streaming servers.

Noong nakaraang taon, ang #PlayItRight ay nakipagpartner sa Optical Media Board (OMB) at Asia Video Industry Association’s (AVIA) Coalition Against Piracy (CAP) upang bigyang kaalaman ang publiko laban sa malawakang paggamit ng ISDs.

Comments are closed.