IPINAG-UTOS kahapon ni Philippine National Police (PNP) chief General Guillermo Eleazar sa lahat ng chiefs of police at area commanders na paigtingin ang kampanya laban sa loose firearms at pagbuwag sa mga hinihinalang Private Armed Group bago pa magsimula ang campaign period para sa national at local polls.
Ayon kay Eleazar ang agresibong campaign kontra loose firearms ay magpapalakas sa ibinabang direktiba na pagwasak sa lahat ng Private Armed Groups upang matiyak na hindi magagamit ang ‘goons, guns and gold’ na kasangkapan para maghasik ng karahasan sa gaganaping eleksyon sa susunod na taon.
“I have already instructed all our chiefs of police and area commanders to intensify the accounting of loose firearms as part of our early preparation for the peaceful, honest and orderly conduct of elections next year,” ani Eleazar.
“Kasama dito ang maigting na operasyon laban sa mga gun-running syndicates at ang mga baril na matagal nang hindi nare-renew dahil maari itong gamitin na instrumento ng karahasan upang maimpluwensiyahan ang resulta ng Halalan 2022,” dagdag pa ng heneral.
Bahagi rin ng kampanya ang paghikayat ng police units sa mga gun owner na may expired licenses na mag-renew ng kanilang firearms registration.
Nabatid na base sa datos ng PNP aabot sa 664,480 firearms ang pag-aari ng mga private individual na may expired licenses hanggang nitong second quarter ng 2021.
Inihayag pa ng opisyal na kasalukuyang beneberipika ng PNP intelligence community ang reports na marami sa itinuturing na loose firearms ay pag-aari ng criminal syndicates, communist rebel group and at iba pang large threat groups.
“Lahat tayo ay nagnanais na magkaroon ng tahimik at tapat na halalan sa susunod na taon subalit ito ay isang adhikain na nangangailangan ng kooperasyon ng COMELEC, ng mga pulis at ng sambayanang Pilipino,” diin Eleazar.
Iginiit pa nito,ngayon pa lamang ay dapat nang paghandaan ang mga hakbangin para sa election security upang masawata ang mga itinuturing na threat groups na maimpluwensiyahan ang elections lalo na sa kanayunan. VERLIN RUIZ
37160 414980i just didnt require a kindle at first, but when receiving 1 for christmas im utterly converted. It supply genuine advantages more than a book, and makes it such a good deal additional convenient. i may undoubtedly advocate this item: 129922
403654 976156Wow post thanks! We think your articles are fantastic and want more soon. We enjoy anything to do with word games/word play. 796538