KAMPANYA VS TAX EVADERS PINAIGTING

Erick Balane Finance Insider

BAGO matapos ang 2018 ay umabot na sa mahigit 100 ang bilang ng mga delinquent at mandarayang negos­yante  na sinampahan ng tax evasion ng Bureau of Internal Re­venue (BIR) sa Department of Justice (DOJ).

Direktang binigyan ng ‘go signal’ ni Finance Secretary Carlos Dominguez III para kasuhan ang naturang mga negosyanteng sina Quezon City BIR Regional Director Dra. Marina De Guzman, Manila BIR Regional Director Romulo ‘Jun’ Aguila, Makati City BIR Regional Director Glen Geraldino, Caloocan City BIR Regional Director Manuel Mapoy, San Fernando, Pampanga BIR Regional Director Jethro Sabariaga at San Pablo City BIR Regional Director Ed Tolentino.

Kabilang sa mga kinasuhan sina Enrico Del Rosario at Jasmin Del Rosario ng Robro’s Inc. na may tanggapan sa 1215 AIC-Burgandy Empire Tower, ADB Avenue, Ortigas  Center, San Antonio, Pasig City; Julie Grace Magahis, proprietress ng  KJet Enterprises ng Intrepid Plaza na nasa  E. Rodriguez, Jr. Avenue, Bagumbayan D3, Quezon City; Raymund Martin Magdaluyo at kanyang  treasurer na si Patricia Magdaluyo, ng  Bankside Restaurant Group, Inc.; Elpidio Pagador at company president Edmund Ramos, ng Cymtronix Philippines, Inc. at maraming iba pa mula sa Maynila, Makati City, Caloocan City, Pampanga City, San Pablo at Cavite.

Maging ang Large Taxpayers Service (LTS) na nagsisiyasat sa 1st 5,000 business/corporate taxpayers at pina-mumunuan ni BIR Assistant Commissioner for LTS Tess Dizon ay kumilos na rin para habulin ang mga negosyanteng may malalaking pagkakautang sa BIR upang makuha ang iniatang sa kanilang tax collection goal.

Mas pinabilis na rin ng BIR National Investigation Division at mga Regional Investigation Division ang isinasa-gawang imbestigasyon at pagsasampa ng tax evasion sa lower court laban sa  mga lumabag sa probisyon ng Na-tional Internal Revenue Tax Code (NITC) ukol sa non-issuance of receipts and sales invoices, paggamit ng mga huwad na resibo at iba pang paglabag sa tax code.

Magugunitang noong nakaraang linggo ay ipinasara ni Cebu City BIR Regional Director Eduardo Pagulayan, Jr. ang sikat na Bohol Hennan Resort, Inc. na nasa Tawala, Panglao, Bohol.

Sinundan ito ni QC-BIR Director De Guzman nang ipasara ang ilang business firms at kasuhan ang mga ne­gosyanteng nasa kanyang hurisdiksiyon dahil sa lantarang paglabag sa probisyon ng revenue tax code.

Nabisto ng BIR Cebu City na ang Hennan Resort, Inc. ay hindi umano nag-iisyu ng resibo, sa halip ay gumagamit lamang ng ‘printed billing statements’ sa  kanilang mga customer na paglabag sa itinatadhana ng Sec-tion 15 ng revenue tax code at  Revenue Memorandum Order No. 03-2009 dahil sa pagkabigong irehistro ang busi-ness firm, non-issuance of VAT and sales receipts/sales invoices, non-payment of returns at non-payment of value added tax.

Sa QC, sinuspinde ng BIR ang operasyon ng ilang establisimiyento na pinamamahalaan ng isang  Clarice Nor-ma R. Maog – Stalls 11, 12 at 13 na nasa Dapitan Arcade, Kalaon Cor. Dapitan St., Barangay Lourdez, QC;  SG 04-05 at SG 06 na kapwa  nasa Suki Market, N. Roxas, Kalaon St., Barangay Teresita, QC.

Ayon kina BIR Directors De Guzman, Aguila, Mapoy, Geraldino, Sabariaga at Tolentino, pag-iibayuhin pa nila ang pagsasampa ng kaso at paghahabol sa mga delinquent taxpayer sa papasok na taong 2019 dahil batid nilang mas mataas ang tax collection goal ang iaatang sa kanila ng DOF upang matulungan si Pangulong Rodrigo Duterte na mapabilis ang pagtatapos ng mga proyektong ipinangako nito sa bayan na nasa ilalim ng ‘Build Build Build ‘ program.



Para sa komento o opinyon, mag-text lamang po sa  09293652344/ 09266481092 o mag-email sa [email protected].

Comments are closed.