KAMPEON ANG WARRIORS

stephen curry-6

PINATAOB ng Golden State Warriors ang Boston Celtics, 103-90, upang magwagi sa 2022 NBA Finals at kunin ang ika-4 na titulo sa loob ng walong taon at ika-7 sa franchise history.

Nakumpleto ng Warriors ang 4-2 panalo sa best-of-seven championship series at naging ikalawang visiting team pa lamang na itinaas ang tropeo sa home court, matapos ng Los Angeles Lakers.
noong 1985.

Nanguna si Steph Curry para sa Warriors na 34 points, 7 rebounds at 7 assists.

Nagdagdag si Andrew Wiggins ng 18 points habang tumipa si Jordan Poole ng 15 para sa Golden State.

Nag-ambag si Draymond Green ng 12 points, 12 rebounds, 8 assists, 2 steals, at 2 blocks.

Samantala, nagbida si Jaylen Brown para sa Celtics na may 34 points.

Makaraang magwagi ng limang titulo bilang isang player, nakopo ni Steve Kerr ang kanyang ika-4 na ring bilang coach. Siya ang ika-7 indibidwal na nagwagi ng 9+ championships bilang isang player at coach, na huling natamo ni Phil Jackson.

Anim na players lamang sa kasaysayan ng NBA ang may 4 rings, multiple league MVPs, at Finals MVP — LeBron James, Michael Jordan, Magic Johnson, Kareem Abdul-Jabbar, Tim Duncan at ngayon ay si Curry.

“I’m so proud of our group, I thank god every day that I get to play this game with some amazing people,” pahayag ni Curry matapos ang laro.

“This is what it’s all about, especially after everything we’ve gone through in the past three years.”

Nakumpleto ng panalo ang dramatic journey pabalik sa tugatog ng tagumpay sa NBA ng Warriors, na dalawang seasons ang nakalilipas ay may worst record sa liga makaraang maharap sa injuries ang franchise at mag-alisan ang key personnel.

“At the beginning of the season nobody thought we’d be here – except everybody on this court right now. It’s surreal,” dagdag ni Curry.

“We were so far away from it. We hit rock bottom with injuries and the long road of work ahead, trying to fill in the right pieces with the right guys.

“You never take this for granted because you never know when you’ll be back here.”