PUERTO PRINCESA – Napanatili ng Baguio City ang overall crown sa Batang Pinoy National Finals sa ikatlong sunod na taon sa pagtatapos ng weeklong competition sa City Coluseum dito kahapon.
Pinalakas ng 313 athletes, ang Baguio City ay tumabo ng 61-45-66 total medals, sumusunod ang Cebu City na may 34-34-29; Davao City na may 31-24-37; Laguna, 27-24-18; Quezon City, 25-25-23; Pangasinan, 20-26-29; Pasig City, 18-29-15; Zamboanga City,16-9-27; Muntinlupa , 15-8-7; at Lapu Lapu City 15-7-10.
Tulad sa mga nagdaang Batang Pinoy, karamihan sa mga medalya na nakuha ng Baguio ay galing sa wushu at muaythai. Kumuha pa ang Baguio ng isang ginto, dalawang pilak at tatlong tanso sa boxing sa huling araw ng torneo na itinaguyod ng Phil-ippine Sports Commission (PSC) na pinamumunua ni Chairman William ‘Butch’ Ramirez.
Sina Jether Babange ay namayani sa 10-11 kgs boys, Azreal Duping sa 10-11 34kgs boys, Charlwayne Bannagao sa 10-11 38kgs boys, Edel Alingina sa 12-13 48 kgs boys, Krisna Malecdan 12-13 40 kgs girls, Francine Jade Velasco sa 14-15 38kgs girls at Ashelene Kia Mlecdan 14-15 54 kgs girls Ang siyang naging pambato ng Baguio sa Muay Thai.
Sa ibang resulta, nanaig ang Cebu City sa triathlon at duathlon kung saan si James Carlo Flores ng Talisay, Cebu ang kumuha ng ginto sa duathlon tangan ang 24:37 para sa boys 11-12.
Sinundan ito ng ginto buhat naman kay Matthew Justine Hermosa na boys 13-15 sa oras na 33:22.
Sa basketball, pinadapa ng Dasmariñas, Cavite ang Mariveles, Bataan, 101–85, upang kunin ang gintong medalya habang nanaig din ang nasabing LGU sa chess matapos na makopo nina Jerlyn Mae San Diego at Mark Jay Bacojo ang ginto sa blitz 13 to 15 sa girls at boys category.
Tatlong gintong medalya ang naibulsa ni San Diego, na siya ring naghari sa rapid at premier standard events.
Ang Batang Pinoy Finals na ginastusan ng PSC ng P16 million ay naglalayong makatuklas ng mga bata atleta na maaaring maging kinatawan ng bansa sa mga international competition sa hinaharap. CLYDE MARIANO
Comments are closed.