(Kampeon sa Spain ITF event) UNANG PRO TITLE NASUNGKIT NI EALA

Alex Eala

NAGPAMALAS si Filipina tennis phenom Alex Eala ng matinding katatagan nang pataubin si hometown bet Yvonne Cavalle-Reimers sa finals ng ITF Rafa Nadal Academy World Tennis Tour tournament kahapon sa Manacor, Spain.

Nabitiwan ng 15-anyos na si Eala ang kalamangan sa first set subalit nakuha ang kanyang rhythm sa second tungo sa 5-7, 6-1, 6-2 panalo para sa kanyang unang pro title.

Impresibo ang tagumpay ng Pinay teenager, na ginapi si 28-year-old Cavalle-Reimers sa larong tumagal ng mahigit dalawang oras.

Ang Spanish veteran ay pumasok sa finals na may anim na ITF titles subalit kinapos kontra Eala sa huli.

Si Eala ay umabante sa finals makaraang gulantangin si top-seeded Seone Mendez ng Australia, 6-4, 6-1, sa second round bago dinispatsa si France’s Carole Monnet, ang fifth seed, 6-7, 7-6 (4), 6-4 sa quarterfinals.

Kasunod nito ay pinataob niya si Hong Kong’s Adithya Karunaratne, 6-3, 6-4, sa semifinals upang isaayos ang title showdown kay Cavalle-Reimers ng Spain.

Eala’s feat was celebrated by the Rafael Nadal Academy, where she has been honing her craft.

Comments are closed.