LANAO DEL SUR – NAKUBKOB kahapon ng tropa ng Philippine Army 103rd “Haribon” Infantry Brigade, ang balwarte ng nalalabing Maute-ISIS sa bulubunduking bahagi ng Sultan Dumalondong na ikinasawi ng tatlong terorista.
Sinabi ni 103rd commander Col. Romeo Brawner, napalaban nang husto ang mga tauhan ng 55th “Vigilant” Infantry Battalion sa tinatayang may 30 Dawlah Islamiyah – Lanao remnants (dating Maute-IS terror group) na nagsimula bandang alas-8 ng umaga na tumagal hanggang maghapong bakbakan at habulan.
Ang Sultan Dumalondong ay may 50 kilometro lamang ang layo sa Marawi City.
Ang grupo ng mga terorista ay pinamumunuan ni Abu Dhar, ang itinalagang lider ng DI-Lanao Group.
Kasaluyang tinutugis pa rin ng military ang grupo ni Abu Dar na nagawang makalayo sa kasagsagan ng putukan.
Tatlong sundalo rin ang nasugatan sa nasabing military assault. VERLIN RUIZ
Comments are closed.