KAMPO NG MAUTE-ISIS PINASOK NG MILITAR

MAUTE-ISIS

LANAO DEL SUR – ISANG sagupaan ang naganap sa pagitan ng militar at Maute-ISIS group na pinangungunahan ng most wanted terrorist leader na si Abu Dar kahapon ng umaga na ikinasawi ng ilang terorista at ikinasugat ng tatlong sundalo sa Sultan Domalondong.

Ayon kay Col. Romeo Brawner Jr., pinuno ng 103rd Infantry Brigade,  bandang alas-6:00 kamakalawa ng  hapon ay sinimulan na nilang gapangin ang pinagkukutaan ni Abu Dar sa Brgy. Sumalindao bayan ng Sultan Domalondong.

Bandang alas-8:10 ay binangga na ng mga sundalo ang kanilang target at nagsimula na ang matinding bakbakan laban sa may 30 miyembro ng Maute-ISIS.

Kahapon ng umaga ay may tatlong sundalo na ang naiulat na nasugatan habang nagpapatuloy pa rin ang habulan at sagupaan, ayon kay Besana, tagapagsalita ng AFP.

Ayon kay Col Gerry Besana, Western ­Mindanao Command spokesman, hanggang kahapon ay nagpapatuloy pa ang bakbakan at pinaniniwalaang marami na rin ang nalagas at sugatan sa hanay ng mga terorista.    VERLIN RUIZ

Comments are closed.