Ipinagdiwang ng Naga City ang kanilang charter anniversary kasabay ng Pasko sa Disyembre.
Nagsasagawa sila ng cultural shows, pageants, parades at trade fairs. Isa itong authentic Bicolano experience.
Sa isang buwang pagdiriwang, hindi kinalilimutan ang traditional Pastores at Kiri-kiti performances.
Ito rin ang tamang panahon upang dalawin ang Mayon Volcano sa Albay at tikman ang pamosong spicy cuisine ng Bicol.
Nagsimula ang Kamundagan Festival noong 1992, Mayor pa si Jesse Robredo. Pagsilang ang ibig sabihin ng “kamundagan,” kaya isinabay sa Pasko — at buong buwan ng December.
Sa pagdiriwang ng Kamundagan Festival, pinakatampok ang Pastores de Belen, kung saan lahat ng barangays ay gumagawa ng Belen na idi-display sa Panganiban Drive.
Nenet Villafania