DALAWANG security escort lamang ang maaaring maitalaga sa bawat kandidato sa election period para sa midterm elections.
Ito ang paalala ng Philippine National Police (PNP) sa mga kandidato sa 2019 midterm elections.
Sinabi ni PNP Spokesperson Senior Superintendent Bernard Banac na maaaring bigyan ng security escort mula sa PNP at Armed Forces ang isang kandidato kung mayroong banta sa kaniyang buhay. Dapat din ay na-validate ito ng Commission on Elections (Comelec).
Kapag lumagpas sa dalawa ang kinuhang escort ng bawat kandidato, maari itong maaresto dahil sa paglabag sa batas sa panahon ng eleksiyon.
Hinikayat ni Banac ang publiko na i-report ang mga kandidatong lalabag sa naturang polisiya.
Layunin ng paglimita ng bantay o escort na pulis sa mga kandidato ay upang maiwasan ang tensiyon sa kasagsagan ng eleksiyon. VERLIN RUIZ
Comments are closed.