KANDIDATO BINALAAN SA VOTE BUYING

BINALAAN kahapon ng Commission on Elections (Comelec) ang mga kandidato para sa midterm elections, na mahaharap sila sa kaso kung mahuhuling namimigay ng pera at nangangako ng tulong pinansiyal sa mga botante.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, maituturing itong vote buying o pamimili ng boto na labag sa ilalim ng Omnibus Election Code.

“This is because promising and distributing assistance, whether in cash or in kind, during the campaign by a candidate fits the legal definition of vote-buying in the Omnibus Election Code,” ani Jimenez.

“Bawal po ‘yan. Maaaring may magreklamo sa kanila ng vote-buying,” aniya pa.

Babala pa ni Jimenez, sa sandaling mapatuna­yang nasangkot sa vote buying ang isang kandidato ay maaaring madiskuwalipika sa halalan at maha-hatulan pa ng parusang pagkabilanggo nang hindi bababa ng isa hanggang anim na taon.

Bukod pa rito, hindi na rin siya papayagan pang makaboto sa anumang eleksiyon at humawak ng anumang public posts.    ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.