NANINIWALA si Senador Aquilino “Koko” Pimentel III sa resulta ng isang survey na 25 porsiyento ng mga tinanong ang may gusto sa isang kandidato na hindi corrupt at ito ang pinakaimportanteng katangian ng isang halal na opisyal.
“Ang mga sentimiyentong iyan ay produkto ng mahaba at masamang experience natin sa korupsiyon sa gobyerno. Most of our people have the sense that they could have better services and that our country would be much more progressive if our public officials were honest,” ani Pimentel. “Kaya ‘yan talaga ang ini-emphasize ng tatay ko noong mayor pa siya at naging senador siya; na kailangan pangalagaan ang pangalan namin at gawin namin makakaya namin para i-restore ang faith ng kababayan natin sa gobyerno.”
Idiniin ni Pimentel na walang bahid ng korupsiyon ang kanyang panunungkulan sa gobyerno at iyon ang tanging ipinagmamalaki niya.
“This is why in all my years in public service one of the things I am most proud of is that not a single case has been filed against me for graft,” dagdag ni Pimentel na topnotcher sa Bar examinations noong 1990. “And I really hope that the survey is accurate and that our people truly want honest officials in office, kasi kailangan talaga natin ‘yan kung gusto natin umasenso.”
Comments are closed.