PINAKAKASUHAN ni House Committee on Dangerous Drugs Chairman Robert Ace Barbers ang mga narco-politician na tatakbo ngayong 2019 elections.
Ito ang pahayag ni Barbers kasunod ng plano ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na ilabas ang bagong listahan ng narco-politicians na dawit sa ilegal na droga.
Payo ni Barbers, dapat na may matibay na basehan laban sa mga politikong isinasangkot sa ilegal na droga bago ilabas ang narco-list at saka kasuhan ang mga ito.
Kapag nasampahan na ng kaso ay agad na ilabas sa publiko ang narco-list upang magkaroon ng ‘informed choice’ ang taumbayan para hindi na iboto sa 2019 midterm election ang mga kandidatong sangkot sa droga.
Nangangamba ang mambabatas dahil noong May 2018 barangay election ay may mga nanalong kandidato na kasama sa narco-list.
Payo ni Barbers, hangga’t maaga at may panahon pa ay dapat gawin na ito ng DILG upang maikam-panya na hindi iboto sa halalan sa susunod na taon. CONDE BATAC
Comments are closed.