KANDIDATONG RADIO COMMENTATOR NILIKIDA

SULTAN KUDARAT-INAALAM ngayon ng homicide probers kung may kinalaman sa pagiging isang hard hitting radio commentators o dahil sa pagiging isang political aspirant na kumakandidato sa ilalim ng partido ni Bongbong Marcos na Partido Federal ng Pilipinas ang pagpatay kay Jaynard Angeles, 36-anyos na dating station manager ng Radyo ni Juan FM station.

Sa ulat ng Soccsksargen Police Regional Office si Angeles ay binaril nang malapitan ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek sa Park Sampaguita sa Brgy. New Carmen sa gitna ng pinaiiral na total gun ban ng Commission on Election.

Sa inisyal na imbestigasyon,tinambangan si Angeles sa loob kanya kotse sa harap ng Falle Auto Repair Shop sa Purok Sampaguita, Barangay New Carmen nang dikitan ng riding in tandem at barilin ng malapitan.

Inihayag ng National Union of Journalists of the Philippines na si Angeles ay kasalukuyang commentator para sa “Tinig ng Bayan” program sa Radyo ni Juan Tacurong sa loob ng sampung taon.

Ayon sa Tacurong City Police Station, inaalam ng mga mga imbestigador ang pagkakakilanlan ng mga salarin.

Tiniyak naman ni Presidential Task Force on Media Security Usec Joel Egco na tututukan nila ang naganap na pagpatay sa isa na namang kasapi ng media. VERLIN RUIZ