PORMAL nang binawi ni dating Vice President Noli ‘Kabayan’ de Castro ang kanyang kandidatura para sa 2022 senatorial race.
Sa isang pahayag na inilabas nitong Miyerkoles, kinumpirma ni de Castro ang kanyang pag-urong sa eleksiyon dahil sa pagbabago aniya ng kanyang mga plano.
“Isinumite ko ang aking kandidatura sa Comelec noong Biyernes. Ngunit nagkaroon ng pagbabago ang aking plano,” ayon kay de Castro.
“Nais kong iparating sa lahat ng aking mga kaibigan at supporters na naghahanda na sanang tumulong sa akin, na nagpasiya akong hindi na ituloy ang aking kandidatura,” aniya pa.
Ipinaliwanag pa ng beteranong broadcaster na napagtanto niyang higit siyang makakatulong sa publiko kung ipagpapatuloy na lamang ang kanyang propesyon sa pamamahayag, sa halip na pumasok muli sa pulitika.
“Gayunpaman, hindi po nagbago ang aking layunin at hangad para sa bayan. Kasabay ng pagdarasal sa Poong Nazareno, napag-isip-isip kong mas makakatulong ako sa pagbibigay ng boses sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng pamamahayag,” aniya pa.
“Binibigyang diin ko po, hindi nagbabago at magbabago ang ating layunin at hangad para sa bayan. Patuloy tayong magiging boses ng ating mga kababayan, lalo na sa panahong katulad nito na ang boses na iyon ay nalulunod sa ingay ng pulitika at paggamit ng kapangyarihan para sa sariling interes ng iilan,” aniya pa.
Matatandaang si de Castro ay tatakbo sana sa ilalim ng partidong Aksyon Demokratiko, na pinamumunuan ni Presidential aspirant at Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso.
Nagpasalamat naman si de Castro kay Moreno sa tiwala at kumpiyansang ibinigay nito sa kanya, gayundin sa mga tulong nito simula nang manumpa bilang miyembro ng partido.
Samantala, sa kanyang panig, sinabi naman ni Moreno na nirerespeto niya ang desisyon ni de Castro.
“Vice Pres. Noli has personal reasons for giving up his senatorial run, which we respect,” anang alkalde.
“In truth, when my team was convincing him to run once more for the Senate, he contemplated on it for a long time. We respect his decision to forego his re-entry into national politics, and wish him well because we know that he will continue to have the best interests of our people, as the Pambansang Kabayan, in his heart,” dagdag pa ni Moreno.
Tiniyak naman ni Aksyon Demokratiko chairperson Ernest Ramel na si de Castro ay mananatiling miyembro ng kanilang partido.
Ipagpapatuloy rin aniya nila ang pagkonsulta sa dating bise presidente na may malawak nang karanasan sa serbisyo publiko at may dedikasyon sa kapakanan ng mga Pinoy.
“We are saddened by his decision but we wish him all the best in his future endeavors,” aniya pa. ANA ROSARIO HERNANDEZ
642713 656032Wow! This can be 1 certain of the most beneficial blogs We have ever arrive across on this subject. Really Excellent. Im also an expert in this topic so I can understand your hard work. 352938
827903 831987As soon as I found this internet site I went on reddit to share some with the love with them. 731194