KANDIDATURA NG 126 PARTY-LIST GROUPS IBINASURA NG COMELEC

COMELEC - 30

Ibinasura ng Commission on Elections (Comelec) ang ilang party-list group na naghain ng kandidatura para sa eleksiyon 2022.

Ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon,  126 na party-list groups ang tinanggihan ng naturang ahensiya.

Hindi pa inilalabas ng ahensiya ang buong listahan ng mga tinanggihang grupo.

Sa kabuuan ay nasa 270 ang mga party-list group na naghain ng Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) nitong Oktubre. DWIZ882