DUMALO ang ilang grupo ng mga mamamahayag sa isinagawang solidarity candle lighting sa puntod ng mga biktima ng Maguindanao massacre.
Nag-alay ng bulaklak at panalangin ang mga miyembro ng media para sa hustiya ng kanilang mga kasa-mahang nasawi sa kalunos-lunos na masaker.
Sinabi ni Kapisan ng mga Broadcaster ng Pilipinas (KBP) Chapter President Linda ‘Netnet’ Ortiz, ang nasabing aktibidad ay bilang pag-alala sa mga pumanaw na kasamahan sa media.
Dumalo rin sa candle lighting ang ilang mga kaanak ng mga biktima na patuloy na sumisigaw ng hustisya para sa malupit na kamatayan ng kanilang mga mahal sa buhay. NENET V
Comments are closed.