KANGAROO COURT MAGDEDESISYON KAY MAYOR SANCHEZ

Antonio Sanchez

LAGUNA – POSIB­LENG gamitin ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (NPA) ang kanilang Kangaroo Court para sa kanilang desisyon laban kay dating Calauan Mayor Antonio Sanchez na hinatulan ng 7 counts of life sentence.

Sa inilabas na statement kahapon ng CPP-NPA nakahanda silang pagkalooban ng hustisya ang pamilya Sarmenta at Gomez.

“Whatever happens though, the Filipino people and the Sarmenta and Gomez families will always have the revolutionary movement to turn to in order to attain full justice,” ayon sa makakaliwang hanay.

Ayon sa CPP, kaisa sila ng sambayanang Filipino lalo na nang pamilya nina  Eileen Sarmenta at Allan Gomez, sa pagtuligsa sa panukala ng Duterte government na pagpapalaya ng mas maaga kay Sanchez.

“Even in prison, Sanchez and other mo­neyed people like him, continue to enjoy privileges and high-living, and are occasionally escorted secretly outside Muntinlupa to satiate their lifestyle desires. Releasing Sanchez will be a monstrous act of injustice,” pahayag pa ng CPP.

Una rito, pinanga­ngambahan na posibleng makinabang din sa pinasang Republic Act No. 10592, hinggil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) ang 13 convicted drug lords na tumestigo laban kay Senadora Leila De Lima sa kinakaharap nitong drug charges base sa patakarang magbibigay daan para makalaya si Sanchez dahil sa magandang ipinakita umano nito habang nakakulong.

Mismong si Justice Secretary Menardo Guevarra ang nagsabing: “Everyone imprisoned by final judgment before 2013 is entitled to a re­computation of GCTAs (good conduct time allowance) earned, if any.” VERLIN RUIZ

Comments are closed.