Laro ngayon:
(Cuneta Astrodome)
7 p.m. – Magnolia vs Rain or Shine
Game 5 (Serye tabla sa 2-2)
TABLA na ang serye sa 2-2 at inaasahan ang umaatikabong bakbakan sa pagitan ng Magnolia at ng Rain or Shine para sa krusyal na 3-2 bentahe sa Game 5 ng kanilang best-of-7 semifinal series sa PBA Philippine Cup ngayon sa Cuneta Astrodome.
Kapwa hangad ng Hotshots at Elasto Painters na masungkit ang panalo at lumapit sa finals sa kanilang salpukan sa alas-7 ng gabi.
Sa dalawang sunod na panalo ay napunta ang momentum sa Magnolia at tiyak na sasamantalahin ito ni coach Chito Victolero para palakasin ang kanilang title campaign.
“The two straight wins indeed bolstered the morale of my players. They are determined to win to inch closer to the finals. I reminded my players after winning Game 4 to play another head up to inch closer to the finals,” sabi ni coach Victolero.
“We will not let go the opportunity and we’ll go out for a win. We will not give them elbow room to recover and mount an offensive. The momentum is on our side and we will utilize it to our advantage,” sabi pa niya, na makakatuwang ang kanyang deputies na sina Jason Webb, Johnny Abarrientos at Angelito Esguerra sa pagmamando sa koponan.
Sa kabila ng dalawang sunod na pagkatalo ay tiwala pa rin si RoS coach Caloy Garcia sa kakayahan ng kanyang tropa at nangakong babawi sa Game 5.
“We will bounce back. That’s for sure. My players are determined to get back at them,” sabi ni Garcia.
Subalit sa itinatakbo ng laro ay mukhang mahihirapan si Garcia sa nagbabadyang finals appearance ng Magnolia.
Isang malaking problema ni Garcia ay ang kanyang dating player na si Paul Lee at kailangan niyang gumawa ng paraan para makontrol ang one-man scoring machine ng Magnolia.
Muling makakatuwang ni Lee sina Mark Andy Barroca, Justin Melton at Jio Jalalon, habang sina Ian Sangalang at Rafi Reavis ang mamamahala sa low post para hindi maka-penetrate sina James Yap, Gabe Norwood, Kris Rosales, Rey Mambatac at Jayvee Mocon. CLYDE MARIANO
Comments are closed.