Kanino ba ang CAVITEX?

Ang CAVITEX ay pag aari ng pamahalaan at hindi ng Cavitex Infrastructure Corporation o ng Metro Pacific Toll Corporation.

Hindi kinukuha ng PEA Toll Corporation sa mga pribadong kompanya ang pangangasiwa at pangongolekta ng toll fees dahil gusto lamang itong gawin ni PEATC OIC Steve Esteban. May kinalaman dito Ang COA audit observation reports at ang mandato ng PEA Toll Corporation na pangasiwaan ang bilyun-bilyong kinikita na toll fees na kontrolado ng pribadong kumpanyang CIC sa ratio ng 90/10.

Sa bawat pisong ibinabayad sa toll tuwing daraan sa CAVITEX Ang mga sasakyan, 10 centavos lang ang napupunta sa pamahalaan ngunit ang trabaho ay ginagawa ng mga kawani ng gobyerno.

Hindi rin Public-Private Partnership ang Cavitex. Ito ay pag aari ng gobyerno pero nagkaroon ng Joint Venture Agreement ang Pilipinas at Malaysia na mag-o-operate ng Toll.

Ayon kay Atty. Ariel Inton, Ang purpose ng agreement ay regional complementation upang maging mas maayos ang relasyon ng mga bansang Pilipinas at Malaysia. Hindi umano kasama sa usapan ang MPTC o CIC o kahit ano pang private corporation.

Kaya nang kunin ng CIC Ang obligadyon na dapat ay hawak ng Malaysia, naiba na umano Ang essence ng cooperation.

Tinatanong ngayon ni Inton kung paano nasali ang MPTC sa CIC para ma-take over ang pangongolekta sa CAVITEX?

Maganda umanong nakikipagtulungan ang mga pribadong sektor sa pamahalaan sa mga proyekto na makikinabang ang tao, ngunit dapat umanong siguruhing mamamayan nga ang makikinabang at hindi iilan lamang.

Sa kaso ng toll collection sa CAVITEX, agrabyado ang taong bayan kaya dapat umano itong busisiin.

Dagdag pa ni Inton, malaking bahagi ng bilyun-bilyong kinikita sa Tollways ay pag-aari ng taong bayan kaya sila din sng dapat makinabang dito. NLVN