KANLAON NAGTALA NG 3 LINDOL

ANG Bulkang Kanlaon sa Isla ng Negros ay nakapagtala ng tatlong lindol sa nakalipas na 24 oras, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong Biyernes, Setyembre 6.

Sa kanilang bulletin, idinagdag ng PHIVOLCS na umabot sa kabuuang 4,159 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan noong Huwebes.

Mas mataas ang mga parameters na ito kumpara sa dalawang lindol at 2,555 tonelada ng sulfur dioxide na naitala sa naunang ulat ng Bulkang Kanlaon.

Nananatiling naka-Alert Level 2 ang bulkan na nangangahulugang mayroong pagtaas sa aktibidad nito.

Dagdag pa rito, ang edifice ng bulkan ay nananatiling nakaumbok.

RUBEN FUENTES