AGAD na ipinag -utos ang evacuation sa lahat ng residenteng naninirahan sa loob ng 6 kilometer danger zone matapos ang naitalang pagputok ng Bulkang Kanlaon sa Negros Island
Itinaas din ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa alert level 3 ang bulkan kasunod ng naganap na pagputok nito bandang alas 3:00 ng hapon nitong Lunes.
“The 3 p.m. eruption “produced a voluminous plume that rapidly rose to 3,000 meters,” anang Phivolcs. Kung saan naitala ang pyroclastic density currents (PDCs) or hot, ground-hugging flows ng bao at volcanic debris na dumausdos sa timog Silangan dalisdis ng bulkan.
Ayon sa ahensiya, posible ang pagkakaroon pa ng mga explosive eruptions kaya pinalilikas na ang mga residente malapit sa paanan ng bulkan partikular ang mga barangay ng Pula, Masulog, Malaiba at Lumapao.
Kaugnay nito ay nag preposition na ang Department of Social Welfare and Development ng family food packs sa mga piling lugar.
Maging non-food items tulad ng family kits, hygiene kits, modular tents, kitchen kits at sleeping kits ay inihahanda na ng DSWD.
VERLIN RUIZ