KANSELASYON SA ANNUAL SUMMIT NG CPP ISINISI SA AFP

Ka Oto

CAMP AGUINALDO – ISINISI ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang panggugulo umano ng mga sundalo kaya kinansela nila ang kanilang annual plenum o taunang pagpupulong ng mga lider ng Communist Party of the Philippines (CPP), New People’s Army (NPA) at National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Sinabi ni Ka Oto, tagapagsalita ng Guerrilla Front 16, Northeastern Mindanao Regional Command, isasagawa sana noong Disyembre 26 ang kanilang annual plenum sa Bacuag Surigao Del Norte.

Subalit dahil sa hindi umano pakikiisa ng militar sa umiiral na ceasefire kaya nagkaroon ng gulo sa pagitan ng militar at NPA ang kanilang armed wing ay hindi ito natuloy.

Ipinagtanggol naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang mga sundalo at sinabing kahit may ceasefire patuloy ang trabaho ng militar na ipatupad ang law enforcement operation at tulungan ang komunidad mula sa mga panggugulo ng  komunistang grupo.

Giit ni Lorenzana, idine­depensa lamang ng mga sundalo ang kanilang sarili sa mga pag- atake ng NPA at hindi aniya para guluhin ang taunang aktibidad ng CPP.

Hinikayat pa ng kalihim ang CPP na  gawin na  ang plano nilang annual plenum. REA SARMIENTO

Comments are closed.