SOUTH COTABATO – ARESTADO ang isang KAPA member na may kasong murder sa inilatag na manhunt operation ng mga tauhan ng PNP-Anti kidnapping sa bayan ng Polomok sa lalawigang ito kamakalawa.
Base sa ulat ni PNP-AKG Director P/Bgen Jonnel Estomo, nakilala ang suspek na si Crispin Berja Pariolan na may warrant of arrest sa kasong murder na inisyu ni. Jose T Tabosares ng Kabacan RTC Branch 16 at walang piyansang nirekomenda.
Sinasabing hitman ng KAPA Scam group ang suspek at isa sa prime suspect sa pagdukot kay Rogelio Casida noong 2019.
Itinuturo rin ang suspek sa pagdukot kay Remily Iral sa Gensan City noong Enero at hanggang ngayon ay hindi pa nakikita.
Kasalukuyang nasa tactical interrogation ang suspek na dinala sa police detention facility para sa disposition at documentation bago ibalik ang warrant of arrest sa Korte. VERLIN RUIZ
Comments are closed.