ISINISI ni ACT-CIS Party List Erwin Tulfo na ang hindi umano pakikinig, pagsunod sa payo ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) na hindi na ligtas magtirik ng istruktura o manirahan sa “No Build Zone” sa Barangay Masara, Maco, Davao de Oro ang siyang tunay na naging dahilan ng pagkasawi ng 98 kataong minero at mga residenteng natabunan ng landslide at pagkawala ng siyam pa sa naging sakuna sa naturang lugar noong Pebrero 6.
Natukoy rin ng mga mambabatas ang kakulangan at kapabayaan ng ibang ahensya ng gobyerno tulad ng pagpayag na pansamantalang muling buksan ang paaralan sa lugar, ang dahilan ng naturang trahedya.
“98 people died, 8 or 9 people are still missing.We cannot just let this incident pass by without investigating what happened.There was an order that there is no build zone in that area.Yet it wasn’ followed.Yet nobody listened to the Mines and Geosciences Bureau. And this is the end result, 98 people died, because nobody listened, nobody followed the order of Mines and Geosciences Bureau,” Ito ang ipinunto ni Tulfo sa pagdinig sa isinasagawang imbesigasyon ng House Committee on Disaster Resilience in aid of legislation sa naturang insidente.
Ang congressional inquiry ay pinangunahan ni Committee vice chairperson and Lanao del Sur Ist District Representative Zia Alonto Adiong para sa House Resolution Number 1586 na inihain ni Tulfo at House Resolution Number 1587 na inihain naman ni Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas.
Karamihan sa mga nasawi ay mga manggagawa ng Apex Mining Corporation, subalit sagot ng nasa kompanya sa komite na wala silang aktibidad na maaaring magpaguho ng lupa sa naturang school.
Kinuwestyon ni Manila Representative Ernesto Dionisio Jr. ang MGB kung bakit conflicting ang ginawa nito na pagbibigay ng clearance na pansamantalang maitayo ang Masara Elementary School sa naturang landslide prone area, bagamat ito ay tukoy na nilang no build zone at delikado sa pagguho ng lupa sa isang rekomendasyon na ibinigay sa local government unit (LGU) nito ng 2008 sa mga certification umano na inisyu nito.
“Years after allowing the..yung pagtatayo ng eskwela….province of Compostela has been granted temporary the reopening of said school. Hindi po ba nagko- contradict ito dun sa no build na in-issue ninyo during the year 2008?,” ang sabi ni Dionisio. Paliwanag ng representante ng MGB ang paaralan na raw na yan ay nasa lugar na noong 2008 na may rekomendasyon umano silang i-relocate ito pati mga naninirahan dito ay pinayagan nila ang pansamantalang pagbubukas habang naghahanap ng relocation site at ang geohazard certificate umano ay in-issue nila sa kahilingan ng LGU.
Nagtaka naman si Adiong kung bakit 16 na raw nasabihan si Maco Mayor Voltaire Rimando na ‘no build zone’ ang naturang lugar, subalit nanatiling naroon ang paaralan at mga istruktura ng mga naninirahan na una nang inalis subalit nagbalikan umano dahil sa paaralan at dahil kulang aniya ang pabahay na lilipatan.
Ayon kay Tulfo, may mga naitalang pagguho na sa naturang lugar at binalaan na ang mga taong magsialis subalit nakapagtataka aniya na may mga nananatiling naninirahan dito dahil lamang sa itinuturing itong ancestral domain ng mga tribung naninirahan sa lugar.
Gumawa naman ng manifestation si Cagayan de Oro, 2nd District Representative Rufus Rodriguez na patulungin ang National Housing Authority (NHA) at ang Apex na tumulong sa LGU sa pag-relocate ng mga naninirahan dito.
Ayon kay Mines and Geosciences Bureau (MGB) Regional Director Beverly Brebante, ang landslide ay naganap sa lugar na hindi sakop ng mining area at may mga gulayan pa umano. Ang landslide ay nag-ugat sa masamang panahon.Ang nag -lobby umano na pansamantalang buksan muli ang paaralan matapos ang mga ulat ng pagguho ay ang konseho na ayon kay Rimando ay kanya naman aniyang tinutulan subalit naisagawa pa rin.
“No build, is no build, ‘pag naglabas kayo nito. Magkakaroon ng eskwela babalik ang mga tao, iisipin nila ay ok na pala eh. Remember ang mamamayan, the grassroots level ang taong bayan pag nakita nilang may eskwela, may bago na naman itinayo dyan..nawawala ang essence ng no build natin.So this is not helping…be cautious.The next time around do not issue a cerification somewhat contradicting your no build recommendation,” sabi ni Dionisio.
Samantala, ipinakita naman ni Davao de Oro, 2nd District Representative Ruwel Peter Gonzaga ang isang aksyon ni Rimando na nag- uutos ng relocation ng mga naninirahan sa lugar ng 2009 base sa rekomendasyon ng MGB. Noong 2011 anya nanghingi ng permiso ang barangay council na ire-reopen nila ang paaralan doon.
Ayon kay Rimando, hindi sila pumayag.
Taon 2017 ay sinabi ni Gonzaga may petition ang mga residente na mabuksan ang paaralan ng 2011.Ayon kay Rimando, March 23,2017 na ang MGB ay naglabas ng clearance na puwedeng temporary buksan ang paaralan kung kaya ito ay nabuksan.
Inamin ni Rimando na ang pagbubukas ng paaralan ang naging dahilan kung bakit ang mga tao ay nagbalikan sa naturang lugar.
“Hindi lang po ito nangyayari sa Masara, nangyayari po ito sa buong Pilipinas.Ano po ang inyong (MGB) clear cut position. After hearing the sentiment of legislators, ituuloy ba ninyo itong inconsistent policy of the MGB or magiging istrikto na tayo?So hopefully, no build zone yan.Hopefully, sarado na yan, halimbawa, ang kalsada na yan hindi matutuloy kung hindi magbibigay ng certificate of no coverage,” sabi naman ni Gonzaga.
Katwiran naman ni Rimando ay ginawa niya ang magagawa niya para protektahan ang mga residente tulad ng pag-relocate subalit limitado ang kanyang option. Ang naturang lugar ay ancestral domain ng Mansaka tribe sa ilalim ng Republic Act 8371 o ang “Indigenous Peoples’ Rights Act of 1997,” kung saan itinuuring itong pribadong ari arian ng mga indigenous people na hindi pwedeng ibenta o wasakin.
Samantala, napagsabihan ni Zamboanga Sibugay Representative Wilter Palma si Rimando na hinayaang magbalikan ang mga tao sa naturang danger zone area.
Ipatatawag umano ng naturang komite ang iba pang ahensiya ng gobyerno sa susunod na pagdinig upang mapagdesisyonan ang magiging aksiyon ng mga mambabatas. Ma. Luisa Macabuhay-Garcia